guhit na cartoon ni Wendel Rei G. Lagroma |
Cybercrime
Law, Sagot sa Karahasan sa Social Media
ni Christine T. Lim
Dulot ng makabagong teknolohiya,
naging pugad ang kompyuter ng iba’t ibang gawain at libangan ng tao tulad ng Facebook, Twitter at marami pang iba. Sa
kabila nito, hindi maiiwasang may mga tao pa ring umaabuso sa paggamit nito na
siyang sanhi ng pagkasira ng reputasyon ng ibang tao. Paano kaya maiiwasan ito?
Ano nga ba ang tanging solusyon upang ito’y tuluyan nang mabura sa ating
lipunan?
Isang bagong panukalang batas ang
isinatupad kamakailan lang noong Setyembre 12, 2012 na kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012 o
R.A.10175. Nakasaad dito na kung sinuman ang magpost ng libelous comment o
mapanirang komento ay makukulong ng 12 taon at magbabayad sa tinatayang halaga
na isang milyon. Bukod dito, malaki rin ang naitulong ng naturang batas upang
masugpo ang karahasan sa Social Maedia tulad ng Cyber-crime, Cyber-piracy,
Cyber-bullying, Cybersex at marami pang iba.
Sa pamamagitan nito, hindi basta
makakaabuso at makakapanakit ang mga taong mapagsamantala dahil sa mabigat na
itinakdang parusa na kanilang haharapin kapag sila ay lumabag sa mga probisyon
ng batas.
Bilang solusyon, nararapat lamang
ang pagsasatupad ng R.A.10175 na nagsilbi bilang isang napakalaking tulong
hindi lamang sa mga tao na gumagamit ng kompyuter kundi lalo na sa mga taong
nabiktima.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento