Wastong Gupit Kailangan
ni Christine T. Lim
Lingid na sa kaalaman ng bawat mag-aaral
ng Zamboanga Sibugay National High School ang responsibilidad ng bawat isa
pagdating sa paglilinis. Lahat ay inatasan kung saang parte ng paaralan
maglilinis nang sa ganoon ay mapanatili ang kalinisan saan mang sulok ng
paaralan.
Dagdag dito, kinakailangan din na
kaaya-ayang tingnan ang mga mag-aaral suot ang kumpletong uniporme nang sa
ganoon ay hindi lamang ang paaralan ang malinis kundi pati na rin ang mga
mag-aaral lalong-lalo na ang panlabas na kaayusan.
Nakasaad sa School Rules and Regulations
ng ating paaralan na nabibilang sa Disciplinary Action ang pagpapagupit ng
bawat mag-aaral na lalaki kapag kinakailangan na itong gupitan. Kalakip nito ay
ang parusang ipapataw kapag umabot na ito sa ikatlong babala. Pwede silang
hindi papasukin sa loob ng paaralan.
Gayunpaman, malaki rin ang naitutulong
nito sa kalinisan ng bawat mag-aaral. Ayon sa ating SpEd Head na si Mrs. Doris
B. Mancao, napakaganda ang kalalabasan nito. Magiging kaaya-ayang tingnan ang
bawat mag-aaral na lalaki. Isa pa, maganda rin ito bilang isang magandang
halimbawa sa nakararami na siyang basehan upang sundin ng bawat estudyante.
Bilang isang mag-aaral ng paaralang ito,
nararapat lamang ang mahigpit na pagsasatupad ng batas na ito upang madisiplina
ang bawat estudyante.
Ayon sa ating prisipal, mahigpit niyang
sinabi ang katagang ito, “No Prescribed
Haircut, No Exam”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento