Gapos ng Uso
ni Jhievand
W. Montero
“Nang
ika’y ibigin ko,
Mundo ko’y
biglang nagbago…”
Sa tingin ko’y alam na ninyo kung ano ang tono at pamagat sa
likod ng dalawang linyang iyan? Sino ba naman ang hindi makakaalam sa
kinagigiliwang kanta na dating luma at biglang nauso,ang Pusong Bato. Paano
kasi, pamagat pa lang kuha na ang atensyon ng madla, mapabata man o matanda.
Minsan, inutusan ako ni
nanay na bumili ng gulay sa palengke. Sa aking pamimili may dumaang kumakanta
sa likod ko at ako’y napalingon at sabay sabi, “Ano ba iyon?” Iyon pala’y isang
beking kumakanta ng Pusong Bato na naka-headset at feel na feel kahit
tinitingnan na ng mga natatawa o naiiritang mukha ng mga tao.
Pag-uwi ko naman
papuntang bahay, huminto muna ang drayber ng sinasakyan kong tricycle sa isang karenderya para bumili
raw ng ulam. Sa tindahan ay may videoke
at nakita ko ang dalawang hindi ko alam kung magkasintahan ba na nagdu-duet ng kantang Pusong Bato na naman.
Halos mag-agawan na sa mikropono ang dalawa pagdating ng chorus ng kanta. Todo palakpakan, hiyawan at hagalpakan naman ang
mga taong nakapalibot sa kanila pati rin ang drayber ng sinasakyan ko’y
nakalimutan na atang may pasahero siya .
Hhayy…Iba-iba talaga ang
trip ng mga tao pagdating sa mga uso. Parang sa tingin ko nga isa na ako sa mga
nakamemorya ng kantang ito dahil sa pabalik-balik ko nang naririnig kahit saan
man ako pumunta. Patunay lamang ito na kahit sino’y hindi makakawala sa gapos
ng uso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento